Balik-trabaho na si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles makaraang makarekober sa COVID-19 at makumpleto ang required days ng kanyang isolation.
Ayon kay Cruz-Angeles, negatibo na siya sa nakahahawang sakit batay sa resulta ng kanyang RT-PCR test.
Noong Agosto a-15 nang ianunsyo ng Press Secretary na nagpositibo siya sa COVID-19.
Samantala, pinaalalahanan naman ng Malakañang sa mga kukuha ng Educational aid mula sa Department of Social Welfare and Development na patuloy na sumunod sa health protocols kontra COVID-19.
Hiniling rin ni Cruz-Angeles na hangga’t maaari ay online appointment na lamang ang gawin sa pagkuha ng assistance tulad ng una nang ipinanawagan ng DSWD. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)