Nakatakdang makipagpulong si Labor Secretary Silvestre Bello the Third sa pamumuan ng Philippine Airlines at Cebu Pacific bukas kasabay ng ipalalabas na polisiya kaugnay ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait.
Kasunod ito ng pahayag ng dalawang airline companies na nakahanda silang tumulong sa pag-repatriate ng mga distressed OFW’s mula sa Kuwait bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bello, mahigit sa 2,000 mga OFW’s na sa Kuwait ang pumayag sa voluntary repatriation at nag-aayos na lamang mga dokumento.
Bukod pa ito sa 800 mga OFW’s na nabigyan ng amnesty at nakatakdang umuwi sa bansa sa loob ng tatlong araw.
Dagdag ni Bello, patuloy rin ang pagbuo ng pamahalaan ng mga hakbang para matiyak ang seguridad ng mga OFW’s sa Kuwait kabilang ang pagsusulong sa isang memorandum of understanding.
Posted by: Robert Eugenio