Umaasa pa rin si Government Peace Panel Chief Negotiator Silvestre Bello III na may pag-asa pa ang usapang pang kapayapaan sa bansa.
Ito’y sa kabila ng kanselasyon ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines o CPP-NPA-NDF.
Giit ni Bello batay sa mga pahayag Pangulong Rodrigo Duterte. Bukas pa rin siya sa negosasyon.
Kailangan lang umano manumbalik ang aniyay “conducive environment” sa magkabilang panig.
Samantala, malugod namang tinanggap ng Norwegian Government ang desisyon ni Pangulong Duterte kaugnay sa kanselasyon ng usapang pangkapayapaan.