Mananatiling pinuno ng Office of the Presidential adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) hanggang sa katapusan ng taon si secretary Carlito Galvez Jr. batay sa inilabas na memorandum order ng opisina ng Pangulo.
Ito’y upang matiyak anila na walang magiging interruption o pagkagambala sa mga programa at aktibidad tungo sa kapayapaan.
Sa mensahe ni Galvez sa pagdiriwang ng Eid al-Adha nitong Sabado, inihayag nito na determinado ang administrasyong Marcos na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng komprehensibong prosesong pangkapayapaan ng Pilipinas, lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.