Pinakilos ni Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu ang field officials nito para ipaalala sa local government units na bawal mag-isyu ng tax declarations sa mga lupaing itinuturing na public domain.
Bukod sa Boracay nakatanggap din ng impormasyon ang DENR hinggil sa anomalyang kinasasangkutan ng LGU’s sa issuance ng tax declarations sa iba pang lugar.
Ipinabatid ni Cimatu na malinaw sa Presidential Decree 705 ang pagbabawal sa sinumang public officer o empleyado na basta na lamang mag isyu ng Certificate of Real Property Tax sa mga inbidwal na okupado o pinoproseso ang bahagi ng lupa na isang forestland.
—-