Aminado si outgoing health secretary Francisco Duque III na hindi niya pinagsisisihan ang paglilipat ng pondo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mas marami anyang buhay ang maaaring mawala kung hindi niya ito ginawa.
Ayon kay Duque, walang ebidensya na nagkaroon ng anomalya at ibinigay naman nila ang lahat ng kailangang dokumento.
Gayunman, hindi naisama ang mga dokumentong sasalag sa official findings ng senate blue ribbon committee.
Naniniwala naman ang kalihim na hindi naging patas ang kumite sa pagsisiyasat nito sa umano’y iregularidad sa paghawak ng DOH sa pandemic funds.
Maka-ilang ulit na kinukwestyon ng mga mambabatas ang paglipat ng DOH sa tinatayang 42 billion pesos sa PS-DBM para sa pagbili ng mga pandemic response supplies, partikular sa Pharmally noong 2020.