Inamin ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na sumagi noon sa kaniyang isipan ang pagbitiw sa pwesto matapos ang kabi-kabilang batikos ng publiko sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Duque na tao lamang din siya na nasasaktan sa mga ‘pang-aapi’ at pagbato ng mga kasinungalingan laban sa kaniya.
Aniya, tulad ng marami, nasasaktan din siya sa tuwing may Pilipinong namamatay dahil sa COVID-19.
Pero iginiit nito na nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagseserbisyo sa taumbayan at sabay nilang nilalabanan ang pandemic at ‘infodemic’ o pagpapakalat ng mga maling impormasyon at kasinungalingan.
Sa katunayan aniya, mababa ang bilang ng mga namamatay sa ating bansa kumpara sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos.