Matapos marinig ang sinabi ni health Secretary Francisco Duque III na nagulo na ang utak niya, agad pinayuhan ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon na magpatulong o magpakonsulta sa psychiatrist ang kalihim.
Magugunitang hindi na-i-mute ang mikropono ni Duque kaya’t narinig ng mga senador ang pahayag ng kalihim.
Ayon kay Gordon, naiintindihan niya na matindi ang stress sa pag-tatrabaho sa gobyerno.
Marami naman aniyang psychiatrist sa DOH kaya’t maiging magpagamot muna si Duque.—mula sa ulat ni Cely O. Bueno sa panulat ni Drew Nacino