Dismayado ang mga negosyador ng pamahalaan sa nakatakdang pagbawi ng New People’s Army sa Unilateral Ceasefire sa February 10.
Sinabi kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, nakalulungkot na itinaon pa ni NPA Spokesman George Madlos ang anunsiyo pagkatapos ng ikatlong yugto ng preliminary talks na ginawa sa Roma.
Sa kabila nito , sinabi ni Dureza na iginagalang nila ang naging desisyon ng kilusang komunista .
Binawi ng kilusang komunista sa tigil-putukan dahil sa kabiguan umano ng gobyerno na palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal.
By: Avee Devierte / Cely Bueno