Nanawagan si Presidential Secretary on the Peace Process Jesus Dureza sa Abu Sayyaf Group na huwag patayin ang German hostage nilang si Jurgen Gustav Kantner.
Gayunpaman, nilinaw ni Dureza na hindi makikipag-usap ang gobyerno hinggil sa pagbabayad ng ransom.
Sa kabila ng no ransom policy, sinabi ni Dureza na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang iligtas ang bihag.
Una nang naglabas ng video ang teroristang grupo kung saan sinabi ni Kantner na pupugutan siya kapag hindi naibigay ang 30 Milyong Piso bago sumapit ang ika-26 ng Pebrero.
Sa nasabing dalawang minutong video, kinakausap ni Kantner ang kanyang pamilya at ang gobyerno ng Germany.
By: Avee Devierte