Tiwala si Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na makakahanap ng paraan ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte para pondohan ang implementasyon ng Bangsamoro Organic Law sa susunod na taon.
Ito ay kahit pa hindi kasama ang BOL sa proposed 2019 national budget.
Ayon kay Dureza, mayruong contingent funds na maaari aniyang gamitin pang suporta sa bagong Bangsamoro Region.
Nang tanungin kung saan kukunin ang naturang contingent fund, sinabi ni Dureza na kanya pang kakausapin si Budget Secretary Benjamin Diokno ukol dito.
Matatandaang sa budget hearing sa Senado nuong Miyerkules, inamin ni Finance Secretary Carlos Dominguez na hindi naikunsidera sa 2019 proposed budget ang nilagdaang BOL ni Pangulong Duterte.