Hinikayat ni Secretary Larry Gadon ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation si Vice President Sara Duterte na magbitiw na lamang sa pwesto kaysa ma-impeach ng Senado.
Ayon sa Kalihim, maisasalba pa ni VP Sara ang kanyang political career kung magbibitiw ito sa pwesto.
Sa oras kasi na ma-impeach ang pangalawang pangulo, malabo na itong makatakbo bilang pangulo sa 2028 dahil maaari itong ma-disqualify sa paghawak ng anumang pwesto sa gobyerno.
Malaki ang paniniwala ni Secretary Gadon na mabigat at matibay ang mga ebidensya laban kay VP Sara at nakatitiyak siyang mahihirapan ito na idepensa ang sarili sa impeachment court.