Tinapos na ni Health Secretary Janette Garin ang lumulutang na espekulasyon hinggil sa kanyang political plans.
Tahasang sinabi ng kalihim na hindi siya tatakbo sa anumang elective position sa 2016 elections.
Binigyang-diin ni Garin na mas gugustuhin niyang magpokus sa pagsusulong ng ilang mahahalagang programa sa Department of Health kabilang na ang immunization, maternal and child health, non-communicable diseases at reproductive health.
Matatandaang itinalaga ng Pangulong Noynoy Aquino si Garin bilang DOH undersecretary noong July 2013 at bilang kalihim noong Oktubre ng nakalipas na taon.
By: Meann Tanbio