Nanindigan si Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez na haharapin niya ang lahat ng kumokontra sa kanyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments.
Iginiit ni Lopez, bagamat umabot na sa 23 ang haharang sa kanyang kumpirmasyon, mas mahalaga aniyang suportado siya ng publiko.
Gayunpaman, nangangamba ang kalihim na sangkot sa mining ang ilang mga mambabatas na miyembro ng Commission on Appointments.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni DENR Sec. Lopez
Sinabi ni Lopez na mas tamang gawin ng mga CA members na sangkot sa pagmimina ang mag-inhibit sa kanyang kumpirmasyon.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni DENR Sec. Lopez
By: Avee Devierte / Cely Bueno