Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nadagdagan ang bilang ng mga kidnap victim na hawak ng Abu Sayyaf mula nang umupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kalihim, 31 na ang mga bihag ng ASG mula sa dating 18 bago pumasok ang Duterte Administration.
Dalawampu’t Lima sa mga bihag ay dayuhan habang anim ang Filipino.
Aminado rin si Lorenzana na kahiya-hiya para sa kanya na hindi maresolba agad ang problema sa Abu Sayyaf pero may mga kaukulang hakbang na anyang nakalatag para rito.
Magugunita noong Martes, nagtungo sa Jolo, Sulu si Lorenzana at iba pang miyembro ng gabinete at nakipag pulong sa mga lokal na opisyal upang tuldukan ang problema sa bandidong grupo.
By: Drew Nacino