Pinahintulutan ng House Committee on Foreign Affairs si Defense Secretary Delfin Lorenzana na makatanggap ng Peace Medal mula sa Indonesia.
Ayon kay Zamboanga Sibugay 2nd District Represenative Ann Hofer, ibibigay ng pangulo ng indonesia na si Joko Widodo sa kalihim ang nasabing medalya bilang pagkilala sa pagsagip ni Lorenzana sa mga mangingisdang indonesian na dinukot ng grupong Abu Sayyaf sa Southern Mindanao noong Disyembre 2019.
Kaugnay nito, malakas ang naging pananaw ni Hofer na sa ilalim ng 1987 Constitution ay papayagan ng kongreso na matanggap ng kalihim ang peace medal dahil ang parangal ay hindi lamang aniya pagkilala sa isang indibidwal kundi para sa karangalan ng bawat Pilipino.
Samantala, si Lorenzana ang unang Pilipinong tatanggap ng naturang parangal. —sa panulat ni Airiam Sancho