Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na aabutin ng Pasko ang giyera sa Marawi City at bago ang naturang okasyon ay makababalik na sa lungsod ang mga residenteng naapektuhan ng bakbakan.
Ayon kay Lorenzana, batay sa mga pagtaya ng mga ground commander aabutin na lamang ng tatlo hanggang apat na linggo ang sagupaan.
Tangi anyang nagpapahirap sa tropa ang pag-iwas sa pag-atake sa mga Mosque na pinagtataguan naman ng mga miyembro ng ISIS-Maute.
Dagdag ng kalihim, bagaman makababalik na sa Marawi ang mga sibilyan bago mag-Disyembre, posible namang sa mga temporary shelter muna magpasko ang mga ito lalo ang mga Kristyano.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
SMW: RPE