Dapat lang isama sa mga plataporma ng mga kakandidato sa pagka-Pangulo sa darating na Halalan 2022 ang usapin kung paano pangangalagaan ang karapatan ng bansa sa pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS).
Ito ang inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos ang matagumpay na re-supply mission ng Philippine Navy sa mga kasamahan nilang nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.
Ayon sa Kalihim, dapat pag-aralan ng mga naghahangad na maupo sa pinakamataas na pwesto sa bansa ang usapin lalo’t nakasalalay dito ang kinabukasan at seguridad ng bawat mamamayang Pilipino.
Kumpiyansa siyang matatalakay ito sa mga ikinakasang Presidential Debates kaya’t inaasahan niyang maghahanda rito ang mga kandidato sa kanilang tindig sa naturang isyu. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)