Nanindigan si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na walang “fake news” na magmumula sa gobyerno.
Ito ang inihayag ni Andanar sa bisperas ng panibagong Senate hearing hinggil sa fake news.
Tiwala ang kalihim sa mga taong bumubuo sa communications arm ng pamahalaan na pawang propesyunal tulad ng Philippine Information Agency, Philippine News Agency, PTV-4, Radyo Pilipinas at R.T.V.M.
Sa oras anyang may lumabas na pekeng balita ay mahaharap ang mga ito sa parusang na-aayon sa saligang batas.
Nilinaw naman ni Andanar na wala namang dapat gawing panibagong batas laban sa fake news dahil sapat na ang mga panununtunan sa konstitusyon.
-Aya Yupangco