Mayruon nang go signal ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa pagkakasa ng trading pause sakaling bumulusok ang stock market dulot na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sakaling magkaruon ng mabilis na pagbaba ang PSE index hanggang 10% maaaring itigil ang trading ng hanggang 15 minuto.
Kapag 15% naman ang ibinagsak 30 minuto ang magiging pagtigil angkalakalan at aabot naman sa isang oras ang pagtigil kung nasa 20% na ang pagsadsad ng trading.
Subalit ayon kay Sec. Chair Emilio Aquino isang pagkakataon lamang maaaring magpairal ng trading pause kada araw kayat wala nang anumang pagtigil sa mga transaksyon kapag bumaba ang stocks sa huling dlawampung minuto bago ang pagsasara ng trading.