Binalaan ng SEC o Securities and Exchange Commission ang publiko hinggil sa investment scam ng ilang kumpanya.
Partikular na tinukoy ng Scentko World Corporation at ang mother holding firm nito na Brendahl Cruz Holdings Incorporated.
Ayon kay Atty. James Armend Pan, Jr, commissioner secretary ng SEC, hindi otorisado ang nasabing kumpanya na pumasok sa investment scheme.
Nangangako aniya ang Scentko World Corporation sa kanilang investors na kikita ng 400 percent ang isang investment sa loob lamang ng isang buwan.
Pinakamataas na alok ay 40,000 pesos na investment na pupuwedeng kumita ng 160,000 pesos sa loob lamang ng isang buwan.