Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko na huwag mag-invest sa virtual currency na “Lodi coin.”
Ayon sa SEC, kulang ang Lodi coins ng Lodi Technologies Inc. sa mga karampatang lisensya katulad ng order of registration ng securities and certificate permit mula sa ahensya na kailangan upang makapagbenta ng “securities.”
Bagama’t rehistrado ang Lodi Technologies bilang isang corporation sa ilalim ng SEC, anang ahensya, wala itong lisensya at otoridad na mag-offer ng investments sa publiko.
Mababatid na sumikat ang naturang virtual currency sa social media dahil sa offer nitong mag-bibigay umano ng halos sampung beses ng halagang in-invest dito.
Kaugnay nito, ayon sa komisyon, bumubuo ng maling representasyon ang Lodi Coin Technologies sa kung ano ang maaaring pinsala ang gawin ng korporasyon sa publiko dahil nakasaad sa articles of incorporation nito na ito ay isang Business Process Outsourcing (BPO) firm, isang batayan para sa pagbawi ng sertipiko ng pagpaparehistro sa ilalim ng Presidential Decree 902-A.