Pinagkokomento ng Court of Appeals ang SEC o Securities and Exchange Commission sa loob ng 10 araw.
Ito’y kaugnay sa isinampang apela ng online news site na Rappler makaraang ipawalang bisa ng SEC ang kanilang registration para makapag-operate.
Inatasan din ng Appelate Court ang dalawang panig na ipaalam sa kanila kung may nakabinbin pang mga petisyon o reklamo na isinampa ang mga ito sa lower court hinggil sa usapin.
Magugunitang binawi ng SEC ang registration ng Rappler nuong Enero 11 dahil sa paglabag nito sa Foreign Equity Restrictions o foreign ownership na nakasaad sa saligang batas.
Posted by: Robert Eugenio