Ibinasura ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang panawagang resignation kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dahil sa kaso ng anak nito.
Sinabi ng Pangulong Marcos Jr. na walang basehan ang nasabing panawagan dahil ang pinagbibitiw sa tungkulin ay kung hindi nagta-trabaho o mayruong maling ginagawang mali sa kanyang trabaho.
Ayon pa sa pangulo, alam na alam ni Remulla na dapat nitong hayaang masunod ang tamang proseso at walang sinuman sa ehekutibo ang manghihimasok sa nasabing isyu.
Naihayag na rin naman aniya ni remulla ang katuwiran nito at pagdistansya sa kaso ng kanyang anak. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)