Balewala kay Interior Secretary Mike Sueno ang balitang papalitan sya ni dating Senator Bong – Bong Marcos.
Ayon kay Sueno, desisyon na ng Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang sa tingin nyang tamang italaga sa kanyang gabinete.
Una nang lumutang na kapag natapos ang one year ban sa mga natalong kandidato ay itatalaga ng Pangulo si Marcos sa DILG.
Matatandaang natalo si Marcos nuong eleksyon 2016 laban kay ngayo’y Vice President Leni Robredo.
By: Rhianne Briones