Tiwala si transportation Secretary Arthur Tugade na mapapasakamay na ng Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taong ito ang emergency powers para resolbahin ang krisis sa trapiko.
Kasunod na rin ito nang pagtatapos ng mga pagdinig ng Senate Committee on Public Services hinggil sa panukalang bigyan ng emergency powers ang pangulo.
Gayunman, sinabi ni Tugade na ayaw niyang pangunahan ang desisyon ng mga mambabatas sa usapin.
September 5 nang isumite ng Department of Transportation ang sariling draft ng emergency powers bill at listahan ng sectoral projects na ipatutupad nito para solusyunan ang traffic crisis.
By: Judith Estrada Larino