Naniniwala si Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato na may malaking implikasyon sa kumpirmasyon ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ang kanyang citizenship.
Sa panayam ng programang Balita Na, Serbisyo Pa, binigyang diin ni Rep. Ramirez-Sato na marami siyang kuwestiyon sa mga dokumentong isinumite ni Yasay.
Babala pa ni Sato, maaaring makasuhan ng perjury o kaya’y ma-contempt si Yasay dahil sa mga maling deklarasyon niya at posibleng pagsisinungaling ng kalihim.
Dagdag pa ng Kongresista, masasabing kuwestiyunable rin ang pag-upo noon ni Yasay sa ilang government positions at gayundin ang pagtakbo niya sa mga nakaraang eleksyon.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Occidental Mindoro Lone District Rep. Josephine Ramirez-Sato
Matatandaan na si Representative Ramirez-Sato ay miyembro ng Commission ng Appointments o CA, ang komiteng nagbibigay kumpirmasyon sa mga posisyon ng Gabinete sa pamahalaan.
By: Jelbert Perdez / Robert Eugenio