Excited na winelcome ng U.S. reality star Kim Kardashian at asawang si Kanye West ang kanilang baby boy, matapos itong ipanganak nitong weekend.
Ang sanggol ay ikalawang anak ng mag-asawa, una ang panganay na si North na 2 taong gulang.
Nasubaybayan ng mga fans ni Kardashian ang kanyang pagbubuntis dahil sa panay panay na post sa Twitter at Instagram.
Ilang oras bago manganak si kardashian ay nagawa pa nitong mag-post na “bare belly” o nakalitaw ang maumbok na tiyan.
Wala pang inilalabas na opisyal na pangalan sa ikalawang baby, at hindi umano kursunada ni Kanye West na pangalan itong “ Baby East.’
By: Aileen Taliping (patrol 23)