Ilalabas anumang araw ngayon ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang second batch ng mga pangalan ng mga barangay officials na kasama sa “narco list”.
Ayon kay PDEA Director Wilkins Villanueva, aabot sa 274 na mga opisyal ng barangay ang kanilang ilalabas oras na matapos ang pagva-validate dito.
Sa kabila ng mga bumabatikos sa pagsasapubliko ng mga umano’y pangalan ng mga drug users at drug pushers na barangay officials, nanindigan ang PDEA na mas mananaig ang interes ng taumbayan kaysa sa right to privacy ng mga nasabing opisyal.
Giit ng PDEA, hindi sila matitinag sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga pulitiko na umano’y sangkot sa operasyon ng illegal na droga lalo pa’t kinatigan ng kataas taasang hukuman ang hakbang na ito.