Dapat na ring bigyan ng ikalawang COVID-19 booster shot ang publiko.
Ito inihayag ni Former Department of Health (DOH) secretary at incumbent Iloilo Representative Janette Garin kasabay ng nakikitang pagtaas sa naitatalang kaso ng nasabing sakit.
Ayon kay Garin, kakaunti lamang ang napapa-booster shot dahil hindi lahat ay nakakaalam na hindi buo ang kanilang prokteksyon kontra COVID-19 nang walang booster shot.
Giit ng dating kalihim, napatunayan na ang benepisyong makukuha sa pagtanggap ng dalawang booster shot.
Wala rin aniyang na o-overdose sa bakuna at kailangan itong maitidihan ng taong bayan.
Mungkahi ni Garin, dapat payagan na ng pamahalaan na tumanggap ng ikalawang booster ang mga Pilipinong nais makakuha ng kumpletong proteksyon.
Maliban dito, inihayag din niya na ang pagbaba at hindi sapat na proteksyon ang dalawang pangunahing dahilan ng breakthrough infections.