Inaabangan na ng World Health Organization (WHO) ang “second generation” ng COVID-19 vaccines na nasal spray at oral version ng bakuna.
Ayon sa Chief Scientist ng WHO na si Soumya Swaminathan, malaki ang magiging advantage ng nasabing mga bagong bakuna dahil mas madali itong i-deliver at maaari pang gamitin ng pasyente ng walang medical worker.
Aniya, mayroong 129 candidate vaccines na naisalang na sa clinical trials, habang 194 naman ang kasalukuyang binubuo sa mga laboratoryo.
Sinabi pa ni Swaminathan na maaaring gagamitin ang naturang mga bakuna sa iba pang posibleng infections. —sa panulat ni Hya Ludivico