Iminungkahi ni Labour Party’s Brexit Spokesman Keir Starmer na dapat munang magkaroon ng panibagong public vote ang panukalang Brexit withdrawal agreement bago ito ratipikahan ng mga mambabatas sa buwan ng Hunyo.
Ginawa ni Starmer ang pahayag makaraang tatlong beses na i-reject ng members of parliament ang Brexit deal na isinusulong ni United Kingdom Prime Minister Theresa May.
Pero ayon sa Labour Party, binabalak nila na muling tanggihan ang naturang panukala.
Bunsod nito, hindi naman sang-ayon si May na magsagawa pa ng ikalawang public vote kaugnay sa isyu.
Tatlong taon na ang nakalilipas nang makakuha ng 52% to 48% vote ang referendum para tuluyan nang pahintulutang kumalas na ang UK sa European Union (EU).
Sa ngayon, wala paring katiyakan kung kelan ang takdang araw ng tuluyang pagtiwalag ng UK sa EU subalit una nang sinabi ng nabanggit na bansa na hanggang October 31 na lamang sila.