Matapos kwestyunin ni Senate President Tito Sotto, III ang balak ng isang ahensya na nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na bumili ng mga high-end na laptop sa susunod na taon para sa kanilang Davao City Team.
Hihingan ngayon ng senado ng paliwanag si PCOO Secretary Martin Andanar hinggil dito.
Napuna ni Sotto na ang Philippine Broadcasting Service-Radio Television Malacanang (PBS-RTVM) ang ahensya sa ilalim mg PCOO ay may inilaang 2.2 million pesos para sa pagbili ng walong laptop para sa Davao City Team ng ahensya.
Ayon kay Sotto, palalagpasin na sana nya ito dahil normal naman ang pagbili ng laptop pero nang nag-compute ang kaniyang mga staff, nakita na aabot sa 280,000 pesos ang bawat laptop bagay na mukha anyang mahal.
Sa kanila raw research, ang pinaka-high end nang laptop ay nagkakahalaga ng 190,000 pesos.
Tugon ni Senator Richard Gordon ang nagdedepensa sa budget ng PCOO, extremely high-end daw na Apple Macbook ang bibilhin at para raw iyon sa Davao City dahil laging nandoon si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kapag nagbago naman daw ang administrasyon, dadalhin ang mga laptop sa Malakanyang. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)