Tinukoy ni Senador Koko Pimentel III si Energy Secretary Alfono Cusi bilang utak sa tangkang pag agaw ng kapangyarihan sa PDP-Laban.
Ayon kay Pimentel, Vice Chairman ng partido, lantad ang mga naging kilos ni Cusi kaya siya ang malinaw na utak sa tangkang power grab sa ruling party.
Patutunayan aniya nila na hindi genuine member ng partido ang sangkot sa tangkang pag agaw ng kapangyarihan.
Sinabi pa ni Pimentel na tinalakay sa kanya ni Cusi ang hangarin nito na i-reorganisa ang kanilang partido bilang paghahanda daw sa 2022 elections
Pero noon anyang maupo si Senador Manny Pacquiao bilang presidente ng partido, bigla umanong naalarma ang grupo ni Cusi.
Kaya’t kwestyun ni Pimentel kung ano ang problema at bakit sobra silang nag aalala sa pag upo ni Pacquiao bilang presidente ng partido. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico mula sa ulat ni Patrol 19 Cely Ortega-Bueno