Binanatan ng grupo ng mga biktima ng super bagyong Yolanda si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman.
Ito’y dahil sa kabiguan ng administrasyon na bigyan ng permanenteng tahanan ang mga sinalanta ng kalamidad dalawang taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Marissa Cabaljao, Secretary General ng grupo, isang malaking sinungaling si Soliman dahil sa nagtatiyaga pa rin sa mga masisikip at marurupok na bunk houses ang may 400 pamilyang sinalanta ng bagyo.
Enero ng nakalipas na taon pa aniya ipinangako ni Soliman na matatapos ang mga permanenteng tahanan sa loob ng anim na buwan, ngunit dalawang taon na anila ang nakalilipas, hindi pa rin nila nakikita ang mga ipinangakong bahay.
By Jaymark Dagala