Umaasa pa din si Justice Secretary Leila de Lima na makakasama siya sa senatorial line up ng Liberal Party na iaanunsyo sa Biyernes, Oktubre 9.
Ayon sa Kalihim, pinag-isipan niyang maigi ang kanyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.
Sinabi ni de Lima na kanyang ikinunsidera ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon, dahil tiwala siyang marami pa siyang maitutulong sa bansa.
Nakatakdang magbitiw bilang Justice Secretary si de Limasa Oktubre 12.
By Katrina Valle | Jonathan Andal