Iminungkahi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang pagpapatupad ng reporma sa National Food Authority (NFA) sa halip na buwagin ito.
Sa gitna na rin ito ng mga panawagang buwagin ang ahensiya dahil sa kawalan umano nito ng aksyon para maresolba ang problema sa bigas sa bansa.
Ayon kay Piñol, mas makabubuti kung mas magagamit ang potensiyal ng nfa bilang natatanging trading agency sa bansa na kinilala ng World Trade Organization (WTO).
Iginiit ni Piñol, makabubuti aniya kung magagamit ang NFA bilang export agency ng iba pang produktong pang-agrikultura ng bansa at maalis ang imahe nito na nakadikit lamang sa bigas.
Inihirit din ni Piñol na muling maisailalim sa DA ang NFA para sa mas maayos na koordinasyon ng dalawang ahensiya.
—-