Muntik nang hindi papasukin si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Naatasan si Singson na salubungin si Japanese Prime Minister Shinzo Abe para dumalo sa APEC Summit ngayong araw.
Ngunit hindi nakilala si Singson ng mga guwardiya sa NAIA kahit pa nakasuot ito ng ID kaya’t nabalam ang pagpasok nito.
Ngunit nakilala si Singson ng isa sa mga pinuno ng security doon dahilan upang agad itong papasukin.
Pinagalitan naman ng mga opisyal ng Manila International Airport Authority o MIAA ang mga guwardyang humarang kay Singson.
Wala namang naging reaksyon si Singson sa pangyayari dahil batid naman nito ang higpit ng seguridad na ipinatutupad sa paliparan.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)