Patay ang Secretary to the Mayor ng Cotabato City matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Ayon kay Cotabato City Police Chief Col. Richard Fiesta, pasado 7:30 a.m. kaninang umaga nang tambangan ng dalawang lalaking nakamotorsiklo ang biktimang si Aniceto Rasalan habang kumakain sa isang karinderya sa bahagi ng Notre Dame Avenue.
Batay sa salaysay ng testigo, apat na putok ng baril ang kaniyang narinig.
Naisugod pa sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima kung saan ito binawian ng buhay.
Dati na ring nakaligtas sa ambush si Rasalan noong 2015. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)