Binawi na ng U.S. Department of Homeland Security ang kanilang ipinalabas na security advisory laban sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang taon.
Ayon sa U.S. Department of Homeland Security, tinanggal na nila ang travel advisory matapos na makita ang mga malaking pagbabago sa usapin ng seguridad sa pangunahing paliparan ng bansa.
Nagbigay din anila ng katiyakan ang Manila International Airport Aauthority at ibang pang civil aviation authorities sa Pilipinas na ipagpapatuloy ang mga ginagawang pagsisikap para mapanatili ang mga nasabing pagbabago.
Magugunitang nagpalabas ng abiso ang U.S. Department of Homeland Security noong december 2018 dahil sa umano’y mahinang security measures na ipinatutupad sa NAIA batay na rin sa resulta ng assessment ng kanilang transportation security administration.