Nanganganib mawalan ng lisensya ang security agency ng security guard na nanghostage sa San Juan City.
Ayon kay Brig. Gen. Bernard Banac, spokesman ng Philippine National Police (PNP), ito ay kapag napatunayang may basehan ang mga akusasyon ni Archie Paray na unfair labor practices.
Wala tayong pinangako na hindi sya kakasuhan. Bibigyan sya ng pagkakataon na magpahayag sya ng saloobin sa isang press conference, at ito ay naisagawa naman. Sya po ay nakapiit ngayon. Magkakaroon tayo ng inquest proceeding ngayong raw na ito para madala sya sa korte,” ani Banac.
Kasabay nito, ipinaliwanag ni Banac na isang istratehiya ang pagpapaharap kay Paray sa isang press conference upang mapayapa itong makuha ng mga pulis.
Si Paray ay nahaharap sa kasong frustrated murder, illegal possession of firearms at illegal detention.
Ngayon ay kakaharapin nya ang patung-patong na kaso at mga violations na kanyang ginawa,” ani Banac. —sa panayam ng Ratsada Balita