Pinalilimitahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilang ng mga security aide ng mga pulitiko na nagiging dahilan ng pang-aabuso.
Ito’y bilang bahagi pa rin ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan sa kabilang suspensyon ng Oplan-Tokhang.
Ipinunto ni Pangulong Duterte na ilang alkalde na sangkot sa illegal drugs ang nananatiling “untouchable” dahil sa kanilang political connections at security aides.
Inatasan na rin ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea na bumalangkas ng kautusan alinsunod sa Alunan Doctrine na maglilimita sa bilang ng mga bodyguard ng bawat pulitiko.
By Drew Nacino