Planong buhayin o i-reactivate ng Commission on Elections (COMELEC) ang tatlo sa apat na security features ng PCOS voting machines na ginamit noong 2010 at 2013 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ito’y kinabibilangan ng ballot verification o ultra violet detectors, source code review, digital signature at voter verified paper audit trail.
Sinasabing iminamandato ang mga naturang security features sa ilalim ng Republic Act 939 o Automated Elections Law at nakasaad din sa kontrata ng COMELEC sa Smartmatic Corporation.
Nilinaw naman ni Bautista na ikokonsulta mula nila sa mga election stakeholders bago isagawa ang nasabing plano.
By Jelbert Perdez