Posibleng mapanagot sa ilalim ng International Human Rights Law ang security forces ng Myanmar sa kasong genocide laban sa mga Rohingya o Muslim Minority sa naturang bansa.
Ito’y ayon kay United Nations High Commissioner Zeid Ra’ad Al-Hussein na nagsabing wala ni isa man sa mahigit 600,000 Rohingya na umalis sa Myanmar noong Agosto ang maaaring makabalik hangga’t hindi pa tiyak ang kanilang kaligtasan.
Giit ni Al-Hussein, maituturing na krimen ang ginagawang ethnic cleansing ng Myanmar dahil lamang sa hindi nila kinikilala ang mga Muslim na bahagi ng kanilang bansa bilang mamamayan.
Mariing itinatanggi ng Myanmar na mamamayan nila ang mga Rohingya sa halip, itinuturing nila itong mga banyaga o dayuhan sa kanilang bansa.
—-