Dinagdagan ng gobyerno ang bilang ng security forces na naka-deploy sa Cebu City matapos isailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang lugar.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Eduardo Año, mahalagang maipatupad nang maayos ang quarantine measures sa lungsod kasunod na rin ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) doon.
Samantala, sampung barangay ang posibleng ilagay sa “hard lockdown” tulad ng Mambaling, Cebu City Jail area, Luz, Labangon, Suba, Kamputhaw, Tejero, Sambag 2, Duljo-Fatima, at Basak San Nicolas.