Kalaboso ang isang security guard matapos umanong barilin ang nakaalitan nitong lalaki sa Abel Nosce St. Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.
Kinilala ni Southern Police District o SPD Director PBGEN Jimili Macaraeg ang suspek na si Pablito Baculba, 56 taong gulang.
Nagkaroon ng pagtatalo si Baculba at ang biktimang si Michael Joquino hanggang sa bumunot ito ng kalibre .38 baril at pinatukan ito na tinamaan sa tiyan.
Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Omnibus Election Code at Frustrated Homicide.