Hindi umano i-aatras ng security guard na si Christian Floralde ang kaso laban sa suv driver na sumagasa at nang-hit-and run sa kanya sa Mandaluyong City.
Ito ang binigyang-diin ni Floralde matapos siyang makalabas ng ospital, kahapon.
Aminado si Floralde na masama pa rin ang kanyang loob sa ginawa ng driver at kanya nang ipauubaya sa Diyos anuman ang kahihinatnan ng kasong isasampa.
Ilang araw nanatili sa intensive care unit si Floralde matapos ang insidente sa kanto ng Saint Francis Street at Julia Vargas avenue, noong Linggo.
Samantala, itinakda na ng Land Transportation Office ang final hearing ngayong araw.