Nakalabas na ng ospital ang security guard na sinagasaaan ng isang SUV sa Mandaluyong City noong nakalipas na linggo.
Sa video message ng biktimang si Christian Floralde, sinabi nito na masama pa rin ang kaniyang loob sa may-ari ng SUV na tinakbuhan pa siya matapos sagasaan ng dalawang beses.
Desidido pa rin naman si Floralde na ituloy ang kaso laban sa SUV driver.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ng Mandaluyong Police ang ‘warrant’ mula sa korte para tuluyang maaresto ang suspek.
Nitong Biyernes, hindi muli dumalo sa pagdinig sa Land Transportation Office (LTO) ang suspek.