Tinanggap na ng security guard na si Christian Floralde ang paghingi ng sorry ng SUV driver na sumagasa sa kaniya sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.
Pero ayon kay Floralde, kahit tinanggap na niya ang sorry ng driver ay hindi pa rin niya i-aatras ang isinampang kaso laban dito.
Hindi pa rin naaaresto ang suspek na si Jose Antonio Sanvicente kahit lumantad na ito sa Philippine National Police dahil wala pa itong warrant of arrest.
Hindi naman maiwasang sabihin ng netizens na mayroong special treatment na naganap na mariing pinabulaanan ng pulisya.
Ilang linggo matapos ang insidente, nasa preliminary investigation stage pa lang ang reklamong frustrated murder at abandonment of one’s own victim na isinampa laban kay Sanvicente.
Sa Hunyo 23, nakatakda ang susunod na preliminary imbestigation sa kaso.