Kumpiyansa si Senador Francis Escudero sa inilatag na seguridad ng pamahalaan para sa APEC Summit ngayong linggong ito.
Sinabi ng Senador, mataas ang kaniyang tiwala sa mga awtoridad ng Pilipinas matapos paigtingin pa ang seguridad sa bansa makaraan ang nangyaring pag-atake sa Paris nitong weekend.
Kasunod nito, nanawagan si Escudero sa publiko na makipagtulungan at unawain ang sitwasyon gayung hindi basta-bastang mga tao ang bibisita sa bansa.
Umapela pa ang Senador sa publiko na manalangin para sa matagumpay at mapayapang pagdaraos ng APEC sa bansa.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)